INDIANAPOLIS (AP) — Sinamantala ng Indiana Pacers ang pagbabakasyon ni LeBron James para maitarak ang 123-109 panalo kontra sa Cleveland Cavaliers Miyerkules ng gabi (Huwebes sa Manila).
Nanguna sa Pacers si Paul George sa na iskor na 29 puntos, habang tumipa si C.J. Miles ng 21 puntos para putulin ang four-game losing skid ng Pacers at patatagin ang No.7 position sa Eastern Conference playoff.
Binigyan ng day off ng Cavaliers ang four-time MVP para maihanda ito sa mas importanteng duwelo sa playoff.
Pumuntos sa Cavs sina Kyrie Irving namay 26 puntos at Kevin Love na kumubra ng 23 puntos.
HORNETS 111, KNICKS 97
Sa New York, hataw si Kemba Walker sa naiskor na 34 puntos, habang humugot si Al Jefferson ng 24 puntos sa panalo ng Charlotte Hornets kontra Knicks.
Matapos matalos sa Cleveland at Toronto, nakabawi ang Charlotte para manatili ang kampanya para sa No.4 spot sa playoff ng East.
WIZARDS 121, NETS 103
Sa Washington, naitala ni Ramon Sessions ang 18 puntos at season-high 13 assist para gabayan ang Washington Wizards kontra Brooklyn Nets.
Hataw si Badley Beal sa naiskor na 25 puntos, habang may 16 puntos at 12 rebound si Marcin Gortat para sa Wizards para manatiling buhay ang kampanya sa No.8 spot sa East playoff.
CELTICS 104, PELICANS 97
Sa Boston, ginapi ng Celtics, sa pangunguna ni Isaiah Thomas na kumana ng 32 puntos, ang New Orleans Pelicans.
Na-ambag si Jae Crowder ng 14 puntos, habang kumuba si Avery Bradley ng 13 puntos at anim na rebound para sa Celtics.
Nanguna sa Pelicans si Toney Douglas na may 19 puntos.
PISTONS 108, MAGIC 104
Sa Orlando, Florida , hataw si Reggie Jackson sa nasalansan na 24 puntos at tumipa si Kentavious Caldwell-Pope ng 18 puntos sa panalo ng Detroit Pistons kontra Orlando Magic.
Bunsod ng panalo, nanatiling buhay ang pag-asa ng Pistons (42-37) para sa Eastern Conference playoff race. Nasa likod sila ng Pacers na nagwagi sa cavs.
MAVERICKS 88, ROCKETS 86
Sa Dallas, napanatili ng Mavericks, pinagbidahan ni J.J. Barea na may 27 puntos, ang kampanya para sa huling playoff spot sa Western Conference nang gapiin ang Utah Jazz.
Nailista ng Mavericks ang ikalimang sunod na panalo para sa 40-38 karta at manatiling hawak ang bentahe sa Utah at Houston para sa No.7 spot.
Sa iba pang laro, nagwagi ang Portland Trailblazers sa Oklahoma Thunder, 120-115; at tinalo ng Los Angeles Clippers ang Los Angeles Lakers, 91-81.