Abril 8, 1341 nang koronahan si Francesco Petrarch, ang “Father of Humanism,” bilang Poet Laureate sa Rome ng Roman noble na si Orso dell’Anguillara.
Bilang poet laureate, naitalaga si Petrarch bilang miyembro “for life” ng British royal household. Isinilang si Petrarch noong Hulyo 20, 1304 sa Arezzo, Italy. Karamihan sa kanyang mga likha ay koleksiyon ng daan-daang sonnet, liham, at koleksiyon ng tula para sa isang babae na nagngangalang Laura, na ikinokonsidera niyang “idealized love.”
Nagsilbi rin si Petrarch bilang cleric, na nagpahintulot sa kanya na lumikha ng ecclesiastical postings. Nagawa niyang mahanap ang ilang limot nang klasikong teksto nang maglakbay siya bilang Church diplomatic envoy.
Sa pamamagitan ng kanyang mga obra, nahulma ang modernong lengguwaheng Italyano. Pumanaw siya noong Hulyo 18, 1374 sa Carrara, Italy.