MIAMI (AFP) – Inihayag ng international scientists nitong Martes na natukoy na nila ang bagong virus na pumapatay kapwa sa wild at farmed tilapia, isang mahalagang pinagkukunan ng pagkain ng mundo na nagkakahalaga ng $7.5 billion bawat taon.

Ang virus ay kamag-anak ng pamilya ng mga influenza virus, at nagdudulot ng pamamaga ng utak sa mga tilapia sa Israel at liver disease sa mga isda sa Ecuador, ayon sa tuklas na inilabas sa journal na Bio.

Naaapektuhan ng pathogen, tinawag na tilapia lake virus (TiLV), ang mga tilapia.

Wala pa ring masyadong nalalaman ang mga scientist tungkol sa biology ng virus, saan ito nanggaling, o paano ito nakarating sa Israel noong 2009 at makalipas ang dalawang taon, sa mga palaisdaan sa Ecuador.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'