pacman copy

Pinaalalahanan ni Pampanga Congressman Yeng Guiao ang kasama sa Kongreso na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao na maging maingat at huwag magpetiks para sa kanyang seguridad.

Ang pahayag ni Guiao, coach din ng Rain or Shine, ay bilang pakikiisa sa panawagan na makaiwas si Pacman sa anumang insidente tulad nang tangkang panunutok sa kanya ng isang Amerikano sa parking lot ng isang Japanese restaurant sa Hollywood.

“There are a lot of crazy, weird people in the streets,” pahayag ni Guiao.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“You just need to be careful, especially if you are a celebrity where people would want to be noticed or get some attention in a negative manner,” aniya.

Dahil sa mabilis na pagkilos ng kanyang bodyguard, nagawang makaiwas ni Pacman sa tiyak na insidente.

Nakatakda siyang lumaban para sa ‘trilogy’ ng kanilang hidwaan ni Tim Bradley sa Linggo sa MGM Grand Garden Arena.

Hindi naman nasaktan si Pacquiao at kaagad na pinatawad ang suspect na ayon sa mga nakasaksi ay sumisigaw ng mga salitang may kaugnayan sa naging estado ng eight-division world champion hingil sa same-sex marriage.

“Ano naman yon e, sa’kin kasi it’s still the freedom of expression, although sometimes you may offend some people; but i don’t think that was his intention,” pahayag ni Guiao.

“To me, no matter what kind of opinion somebody else expresses, di mo naman puwedeng saktan o be violent against him.”

Ang ginawang pagpapatawad ni Pacquiao, ayon kay Guiao ay isang kahanga-hangang katauhan para sa People’s Champion.

“It’s a good thing that Manny showed some restraint; he was very cool. That really is his personality,” aniya.

(Tito S. Talao)