Abril 7, 1541 nang lisanin ni St. Francis Xavier, unang Jesuit foreign missionary, ang Lisbon, Portugal para magtungo sa India. Iyon ang kanyang ika-35 kaarawan.

Nang makarating siya sa India noong Mayo 6, 1542, nakita ni Xavier na walang pari sa Goa. Pinamunuan niya ang Saint Paul’s College, Jesuit institution sa Asya. Binibisita rin niya at inaalagaan ang mga may sakit sa ospital, tinuturuan ang mga bata, at binuo ang catechism.

Maraming tao ang nagpa-convert bilang Katoliko, ngunit lahat sila ay minaltrato at inabuso ng mga opisyal. Gayunman, naging mahirap para kay Xavier na hikayatin ang mga taga-suporta ng Brahman sect. Naglakbay si Xavier patungong Japan noong Abril 17, 1549.

Nagsimulang mag-aral si Xavier sa College of Sainte-Barbe sa Paris noong 1525, at siya ay naging ganap na pari noong June 24, 1537. Taong 1904, kinilala ni Pope Pius X si Xavier bilang heavenly patron saint ng mga misyonaryo.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'