Nasawi ang dalawang manggagawa ng Department of Public Works and Highway (DPWH), habang apat na iba pa ang nasugatan, makaraang masagasaan ng bus sa Hamtic, Antique, iniulat ng pulisya kahapon.

Agad na binawian ng buhay sina Bernardo Salazar, 64, ng Barangay Casalngan, Hamtic; at Salvador Amonsale Naldo, 46, ng Bgy. Egaña, Sibalom, Antique.

Sa huling ulat ng pulisya, sinabing malubha ang lagay nina Reydan Dicta Santos, 35, ng Sibalom; at Janty Eclameras, 41, ng San José de Buenavista, Antique, na kapwa sugatan na gaya nina Ernie Esconilla, 23, ng San Joaquin, Iloilo; at John Amando, 46, ng Bugasong, Antique.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Mar Jopeth Jallorina, Lunes ng umaga at galing sa Iloilo ang Ceres Bus patungong Caticlan nang mabundol nito ang mga biktima, na noon ay naghihila ng pison sa Bgy. Caromangay sa Hamtic.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Hindi napansin ni Ereneo Obsanga, bus driver, ng Batonan Norte, ang mga manggagawang naghihila ng pison kaya nasagasaan niya ang mga ito. Sumuko sa pulisya si Obsanga. (Fer Taboy)