LONDON (AFP) – Tumaas ang bilang ng mga naitalang pagbitay sa buong mundo ng mahigit 50 porsiyento noong nakaraang taon sa halos 1,634, ang pinakamataas simula 1989, inihayag ng Amnesty International nitong Miyerkules.

Ang pagtaas ay ginatungan ng Iran, Pakistan at Saudi Arabia, sinabi ng London-based human rights organization sa taunang ulat nito sa death sentence at pagbitay sa buong mundo.

Hindi kasama sa bilang na 1,634 ang China, na pinaniniwalaang nagbitay ng libu-libo nitong mamamayan. Itinuturing ng Beijing na “state secret” ang datos ng death penalty, ayon sa Amnesty, gayundin sa Vietnam at Belarus.

“The rise in executions last year is profoundly disturbing,” sabi ni Amnesty secretary general Salil Shetty.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture