Kakaibang Timothy Bradley ang dapat asahan ni Manny Pacquiao sa tinagurian nitong farewell fight sa Linggo.

Ayon kay Bradley, aminado siya na may pressure at nerbiyos sa kanyang unang laban na kanyang pinagwagian via controversial split decision noong June 2012.

Sa kanilang ikalawang laban, ibinunyag ni Bradley na naapektuhan siya ng mga batikos na kaniyang tinanggap ukol sa nailistang panalo, dahilan para masira ang kaniyang diskarte at yumukod kay Pacquiao sa kanilang rematch noong 2014.

“Second time I was dealing with demons from the first match. I was trying to get a knockout. So I was out of my game, I was out of my element mentally. I was trying to get a knockout,” sambit ni Bradley. “This time around, I’m calm. I’m just composed. I’ve got a different team. Teddy Atlas, different guidance.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kanilang rubber match, tiniyak ni Bradley na alam na niya ang diskarte para maibulsa ang panalo.

Ngunit, kailangan pa rin aniya ang matinding disiplina sa pagpapatupad ng kanilang game plan at maiwasan na magkaroon ito ng kahit kaunting pagkakamali.

“If I’m smarter than Manny Pacquiao that night, I’m not talking about strength, I’m not talking about punching power. None of that stuff. ‘Cause all that stuff can be eluded with boxing skills and ability and knowing what’s coming before it comes. I mean, I have to limit my mistakes because I can’t make mistakes against this guy,” dagdag ni Bradley.

Pinuri naman ni Bradley si Atlas sa ginawa nitong pagbabago sa kaniyang training regimen na nagdudulot naman umano ng magandang kondisyon ng kaniyang pangangatawan.

“I love Teddy, he’s a great guy and I love his techniques. He’s here not to tear me down. He’s here to preserve me and make me a better fighter. I became a better man and a fighter being around Teddy. He’s preserving me, not running me into the ground,” ani Bradley. (Dennis Principe)