CEBU – Ipinahayag ni Filipino promoter Rex “Wakee” Salud, manager ni world title contender Marlon Tapales, na nakuha ng Pinoy fighter ang karapatan na harapin si Pungluang Sor Singyu ng Thailand para sa kanyang mandatory title defense para sa WBO bantamweight crown sa Hunyo 17, sa Thailand.

“We accepted OneSongchai’s final offer of $37,000 purse for Marlon,” pahayag ni Salud. “And now the fight is set. Marlon is excited to face Pungluang,” aniya.

Nakopo ni Sor Singyu (52-3-0, 35KO), ang bakanteng WBO bantamweight title nang pabagsakin si AJ Banal sa ikasiyam na round noong 2012 sa MOA Arena.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Matikas niya itong naidepensa ng tatlong ulit bago naagaw ni Tomoki Kameda ng Japan. Nabigo naman itong maidepensa ni kameda kung kaya’t muli itong nabakante na matikas namang nabawi ni Sor laban kay Ryo Akaho noong Agosto 2015.

Nakuha ni Tapales (28-2-0, 11KO), mula sa Lala, Lanao del Norte ang karapatan bilang mandatory challenger nang patulugin ang noo’y walang talong si Shohei Omori ng Japan sa ikalawang round noong Pebrero 16 sa Kyoto, Japan.

Hawak ng No. 1 challenger sa WBO bantamweight division ang impresibong pitong sunod na panalo mula nang matalo via majority decision kay David Sanchez ng Mexico noong Pebrero 23, 2013.