Makikibahagi ang mga miyembro ng Philippine Team, national coach, opisyal ng iba’t ibang sports association at stakeholders sa ilalargang ‘Takbo para sa Kagitingan’ fun run sa Abril 9, sa Quirino Grandstand sa Luneta.

Pangungunahan ni health advocate Cory Quirino ang mga inimbitahang panauhin sa 3k at 5k run na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang bahagi ng pakikiisa ng ahensiya sa paggunita ng ‘Araw ng Kagitingan’.

Magsisimula ang karera ganap na 5:00 ng umaga na tatahak sa kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang sa Ospital ng Maynila sa Quirino Avenue, pabalik sa Luneta.

Bukas ang pagpapatala sa fun run na inaasahang abot sa 3,000. Bukas ang karera sa lahat ng sports aficionado at running enthusiast na may edad 18 pataas. Papayagan ang mga batang makilahok, ngunit kailangan nilang magsumite ng sulat mula sa mga magulang o guardian. Tumatanggap na nang paglahok sa PSC office sa P. Ocampo Sr. St., Manila.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ipinahayag ni PSC Chairman Ricardo R. Garcia na libre ang pagpapatala sa fun run.

May nakalaang cash prizes para sa top three finishers sa 3k at 5k category. Pagkakalooban naman ng singlet sa mangungunang 1,500 finisher sa bawat kategorya.

Sa mga interesadong lumahok, makipag-ugnayan sa event secretariat sa 5250808 loc.150, hanapin sina Ms. Lorna Lorico at Ms. Tin Leongson.