Sarah copy

NAKATAKDANG mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN sa linggong darating si Sarah Geronimo. Yes, Popsters, mananatiling Kapamilya ang popstar princess.

Ayon sa aming informant, isang programa lang ang tatanggapin ni Sarah, ang ASAP20 bilang isa sa main host kasama sina Luis Manzano, Toni Gonzaga at Piolo Pascual.

Curious kami kung nagbaba rin bang talent fee si Sarah o kung dati pa rin.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nasulat namin kamakailan na ASAP20 lang ang gustong gawin ni Sarah sa telebisyon at concerts. Andami niyang naka-schedule na concerts ngayong 2016, kaya buhay na ang popstar sa kikitain niya at mapag-aaral talaga niya ang sarili niya.

Tungkol naman sa sinasabing may sarili nang condo unit si Sarah ay hindi pa kami binalikan ng source namin, pero base naman sa kuwentuhan ng mga katoto ay madalas daw nakikita ang boyfriend nitong si Matteo Guidicelli sa unit niya kapag wala silang lakad.

Well, 28 years old na si Sarah at kung tutuusin ay matanda na siya para bantay-bantayan pa. (Reggee Bonoan)