Bukas pa ang pagpapatala para sa San Beda basketball camp na magsisimula ang ika-11 season sa Abril 5.

Bukas ang basketball clinics na suportado ng Gatorade at Molten Balls para sa lahat ng kabataang Pinoy.

Sa mga nagnanais na makibahagi, makipag-ugnayan kina Oliver Quiambao sat el. Blg. 735-6011, local 2104, at mobile no. 09478221544, at coach Edmundo “Ato” Badolato sa 0908-8624543.

Nakatakda ang clinics tuwing Martes at Biyernes ganap na1:00 hanggang 4;00 ng hapon sa San Beda Mendiola campus. Sa Taytay campus, nakatakda ang klase na magsisimula sa Abril 7 tuwing Lunes at Huwebes ganap na 8:00 hanggang 11:00 ng umaga.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Pangangasiwaan ang basketball camp ng mga prominenteng collegiate coach at player. Ang registration fee ay P3,500 kasama ang libreng training shirt at Molten ball. Ang package deal para sa nagnanais na sumabak sa dalawang session ay P6,000.