GINA RODRIGUEZjane-the-virgin-gina-rodriguez1 copy

NAPANOOD namin ang pilot ng Tagalized version ng Jane The Virgin sa ABS-CBN noong Lunes ng gabi at naaliw kami, sa totoo lang.

Noong ipinapakita ang trailer, inakala namin na sa Kapamilya Gold ito mapapanood, pero sa gabi pala at kapalit ng You’re My Home.

Inakala namin na kami lang ang naaliw, pero pati pala mga kaibigan namin at nang mag-check kami sa social media ay ito rin pala ang topic. Nangangahulugan na tulad sa U.S., big hit din sa Pinoy televiewers ang Jane The Virgin.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

“Siguro komedyana itong si Jane The Virgin sa bansa nila kasi hindi naman maganda, pero nakakatuwa siyang panoorin at kamukha niya si Melai (Cantiveros),” sabi ng kasama namin.

(Editor’s note: American actress si Gina Rodriguez na isinilang sa Chicago, Illinois ng Puerto Rican parents.)

Oo nga, very Melai ang dating pati acting, ha-ha-ha. Hindi nga kaya magkamag-anak sila?

Samantala, naririto ang ilang netizens na nagbigay ng komento sa Jane The Virgin:

“@paoacflores #JaneTheVirgin is promising, have to get used to the Tagalog through, nice translation though.” Sabi naman ni @lykabeliss: “Tagalized version is kinda weird though. #JaneTheVirgin” na sinagot ni @iam_jessaC @lykabellss ng, “Sinabi mo pa lalo na pag pinapanood mo ‘yung English version hehehe.”

“@valmrcx #JaneTheVirgin made my night. “ “@MrGeekyBoy, New flavor tong #JaneTheVirgin sa Primetime!” “@QueenLeah24 Kudos abscbn for setting a new trend to some viewers on putting an American series on primetime.

#breatheofFreshAir#JaneTheVirgin.”

Susubaybayan namin ang hit American TV series na ito para hindi laging heavy drama ang napapanood namin.

(Reggee Bonoan)