Nangangailangan ng 200,000 nurses ang Germany hanggang sa 2020.

Ito ang inihayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz matapos makipagpulong sa mga opisyal ng Philippine Embassy at German Government, partikular kay Parliamentary State Secretary Thorben Albrecht.

Tinalakay sa pagpupulong ang katayuan at pagsusulong sa Triple Win Project sa ilalim ng Philippine-Germany government-to-government hiring agreement at ang desisyon ng POEA Governing Board na isama sa proyekto ang pribadong recruitment agencies.

Simula nang lagdaan noong Marso 19, 2013 ang Triple Win Agreement, 222 Pinoy nurse na ang tinanggap ng Germany, 128 dito ay ipinasok sa 14 na employer habang ang natitirang bilang ay kinukumpleto pa ang kanilang preparatory German language training sa Pilipinas.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nilinaw ni Baldoz sa German private sector ang mga patakaran ng POEA Governing Board, partikular ang Resolution No. 4, Series of 2016 sa pagtanggap ng mga Pinoy nurse sa pamamagitan ng pribadong sektor.

“These benchmarks, including the no placement fee policy, will be applied to the hiring of nurses by the German private sector as provided for under GB Resolution No. 4,” ani Baldoz. (Mina Navarro)