Sinentensyahan kahapon ng Sandiganbayan na makulong si Presidential Adviser on Environmental Concerns Secretary Nereus “Neric” Acosta dahil sa paglustay nito sa sariling Priority Development Assistance Fund (PDAF), o mas kilala bilang “pork barrel fund”, noong kongresista pa ito ng Bukidnon.

Sa inilabas na kautusan ng Fourth Division ng anti-graft court, pinatawan si Acosta ng anim na taong pagkakakulong at pinagbawalan na rin ito na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno, matapos mapatunayan itong nagkasala sa paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Tinukoy ng hukuman na binigyan ni Acosta ng pabor ang Bukidnon Vegetable Producers Cooperative (BVPC), na may posisyon doon ang ina nito na si dating Manolo Fortich Mayor Socorro Acosta bilang director at cooperator.

Sinabi ng korte na ipinadaan ni Acosta sa nasabing kooperatiba ang P5.5-milyon pondong bahagi ng kanyang pork barrel fund noong 2002.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Si Acosta, na ngayon ay general manager ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), ay miyembro ng Liberal Party ni Pangulong Aquino. (Rommel P. Tabbad)