Binigyan ng pagkilala ng Philippine Sports Commission (PSC) ang 37 kawani na naglingkod sa ahensiya sa kabuuan ng ika-25 taon ng government sports body.
Ipinagkaloob ng PSC Board, sa pangunguna ni Chariman Richie Garcia, ang ‘Loyalty Award’ sa mga empleyado sa ika-25 taong anibersaryo ng ahensiya kamakailan.
Tumanggap ng plaque at cash incentives sina Dr. Lauro Domingo, Jr., Merlita Ibay, Anna Ruiz, Norberto Dinglasan, Tito Dacuma, Arnold Agustin, Leonides Abenoja, Samson Acupan, Jesus Bongue Marciano Abagon, Mauricio Algodon, Jr., Fernando Aquino, Leonilo Batac, Enrique Bantog at Ramil Concepcion.
Kabilang din sina Elenita Constantino, Rachel Ribo-Dumuk, Noel Elnar, Ricardo Enrique, Sr., Reina Evangelista, Alexandria Fulgencio, Mamerto Madali, Danilo Noriesta, Rosanna Quinto, Rogelio Ruiz, Reynaldo Samarista, Emerenciana Samson, Tomas Samson, Rufino Serdoncillo, Juanito Smith, Violeta Tuazon at Roy Velasco.
Nakatanggap naman ng plake, cash at Timex watch para sa 20 taong serbisyo sina Paul Ycasas at Connie de Guzman, habang nakapaglingkod ng 15 taon si Abigail Marie Rivera at may 10 taon sina Atty. Maribel Rodriguez at Daniel Galarpez. - Angie Oredo