Pinagbabaklas ng mga tauhan ng Commission on Elections (Comelec) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga illegal poster at iba pang campaign materials para sa halalan sa Mayo 9, 2016.

Sinimulan ng Comelec, MMDA, at Philippine National Police (PNP) ang kanilang “Operation Baklas” sa bahagi ng Quezon City Memorial Circle, malapit sa Commonwealth Avenue, at aabot sa 10 illegal poster ang tinanggal.

Idinahilan naman ni Comelec-National Capital Region (NCR) Director Temie Lambino na ang pagkaunti ng nabaklas nilang campaign materials ay dahil na rin sa kamalayan ng taumbayan.

Ayon sa Comelec, hindi maaaring ikabit ang mga poster, streamer, at tarpaulin ng mga kandidato sa mga paaralan, tulay, terminal, waiting shed public utility vehicles, punongkahoy at poste ng kuryente.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Puwede lamang ilagay ang mga poster, una, sa mga common poster areas, at pangalawa, sa private places na may pahintulot ng may-ari ng bahay o establishment. Basta naaayon sa sukat na 2 feet by 3 feet,” ani Lambino.

(Rommel P. Tabbad)