Napipintong mapabilang ang Pilipinas sa mga hotspot ng diabetes pagsapit ng 2040 sa gitna ng tumataas na bilang ng mga taong tinamaan ng non-communicable disease na ito sa mga nakalipas na taon.

Binanggit ang mga datos mula sa 2015 atlas ng International Diabetes Federation (IDF), isiniwalat ni Dr. Ma. Cecille Cruz, fellow ng Philippine Society of Endocrinology, Diabetes, and Metabolism, na mayroon na ngayong 3.5 milyong Pilipino na may diabetes.

Ayon kay Cruz, batay sa 2008 National Nutrition Survey of the Food and Nutrition Research Institute umabot na sa 7.2 porsiyento, mula sa 6% lamang noong 2003, ang diabetes prevalence sa Pilipinas. “This would actually mean you would even have more diabetes incidents in the Philippines now amounting to about 7.3 million individuals across the nation,” sabi ni Cruz sa sidelines ng paglulunsad ng The Diabetes Store (TDS) nitong nakaraang linggo.

“And if you would see the recent estimates for the number of people with diabetes worldwide, 7.3 million would actually not be too shy from the top 10 prevalence in the different countries of the world…they do project that by 2040 we may be already in the top 10,” dagdag niya. - Samuel Medenilla

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji