TASHKENT – Muling nagtamo ng kabiguan ang Philippine football team na tanyag bilang Azkals sa kampanya para sa World Cup/Asian Cup qualifying tournament.

Naungusan ng Uzbekistan ang Azkals, 1-0, Huwebes ng gabi sa Tashkent football center dito.

Matikas na nakipaglaban ang Azkals, sa kabila ng kakulangan ng star player, ngunit nakalusot ang Uzbeks sa krusyal na sandali para maitarak ang panalo at ilagay ang Pinoy booters sa balag ng alanganin sa kanilang kampanya na makasikwat ng playoff spot.

Sa kabila ng kabiguan, sinabi ni team manager Dan Palami na nagpamalas ng katatagan ang Azkals laban sa host team.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Gallant effort by the AZKALS tonight! 85 min. with 10 mean against the top team in our group, away game. I think we represented the PHL well,” sambit ni Palami sa kanyang twitter account @dscpalami.

Tatapusin ng Azkals ang kampanya sa second-round qualifying sa Martes laban sa North Korea sa Rizal Memorial Stadium.