Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na hingin ang gabay ng espiritu ni Hesukristo sa kanilang pagboto sa May 9 elections.

Ang panawagan ay ginawa ni Tagle matapos pangunahan ang Chrism mass sa Manila Cathedral kahapon, Huwebes Santo.

Ang Chrism mass ay ipinagdiriwang upang ipakita ang pagkakaisa ng mga obispo at pari sa isang diocese.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Tagle ang kahalagahan ng pamumuhay kasama ang espiritu ni Hesus.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi naman nagustuhan ni Tagle na may mga taong naaakit sa ibang uri ng espiritu, tulad ng inggit at kasakiman.

Inihalimbawa niya ang $81-million money laundering controversy na naglagay sa Pilipinas sa mata ng buong mundo.

Aniya, maganda ang teknolohiya ngunit nagamit ito sa pagnanakaw sa isang mahirap na bansang tulad ng Bangladesh.

Kasabay nito, hinikayat din ng cardinal ang mga mananampalataya na huwag magpadala sa “masasamang espiritu”, lalo na sa eleksiyon sa Mayo 9.

Aniya, dapat manaig ang ispiritu ni Hesus upang matiyak na mahahalal ang karapat-dapat.

“Decency, real service, or will we allow ourselves to be dominated by other spirits?” aniya. (MARY ANN SANTIAGO)