PGT judges copy

MAGSISIMULA na ang judges sa pagpili ng acts na papasok sa semi-finals sa inaabangang Judges Cull round ng world-class talent search na Pilipinas Got Talent ngayong Linggo (Marso 27).

Pagkatapos ng auditions sa Luzon, Visayas, at Mindanao, sasalain na nina Freddie “FMG” Garcia, Angel Locsin, Robin Padilla, at Vice Ganda ang mga lumusot sa unang round at pipili ng 32 acts na magpapatuloy sa kumpetisyon.

Apat na sa 36 slots sa semis ang napunan ng Golden Buzzer acts na kinabibilangan ng contemporary dance duo na Power Duo, flair bartending couple na Liquid Concepts, dance group Power Impact Dancers, at ang body contortionist na si Mark Dune Basmayor.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa TV plug para sa episode, kitang-kita ang matensiyong usapan ng judges at tila hindi pagkakasundo sa acts na pipiliin. Napatayo pa si FMG sa upuan na animo’y nag-walk out at humingi muna ng break, habang tila dismayado naman si Vice.

Ano nga ba talaga ang nangyari sa tagpong iyon? Sinu-sino ang maglalaban-laban sa semi-finals?

Abangan sa Pilipinas Got Talent tuwing Sabado pagkatapos ng MMK, at Linggo pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.