KAPILING na ngayon ni Ambassador Antonio L. Cabangon Chua ang Panginoon ngunit mananatili pa rin sa ating mga alaala ang mga aral na kanyang pamana. Siya ay namatay nitong Marso 11, 2016.

Ilan sa kanyang mga negosyo ay bangko, insurance, real estate, hotels, pre-need plan, health care, memorial parks at car dealership, ngunit sa media siya pinakanapamahal. Sa Healine Manila, isang tabloid, siya unang nagsimula at ito ay noong ‘70s, sinundan ng Philippine Graphic, isang weekly newsmagazine. Naglingkod ako sa parehong pahayagan bilang founding publisher.

Noong ‘80s, inorganisa niya ang DWIZ, isang 50,000-watt AM radio station; at ipinareha ito sa Home Radio, isang FM broadcast network kung saan isa ako sa mga tumulong upang maitayo sa iba’t ibang rehiyon. Ngayon, bukod sa DWIZ at Philippine Graphic, kabilang sa kanyang media enterprises ang CNN Philippines, isang international TV channel; Business Mirror, ang nation’s top business daily newspaper; Pilipino Mirror, isang tabloid; at iba pang mga publication na may kinalaman sa lifestyles, travel, cooking, at isang world-class printing establishment – ang Brown Madona. Ang lahat ng ito ay nasa pamumuno niya sa pamamagitan ng mga sinanay na mga bata.

Niyakap ni Amba, kung saan siya talagang nakilala, ang media bilang pinakamahalagang bagay para sa pag-unlad, pagpo-promote ng Christian values at culture, at social justice.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Para sa kanya, ang malayang pamamamahayag ay simbolo ng demokrasya. Sa loob ng ilang dekada, sinuportahan niya ang mga aktibidad ng media organizations. Noong ako pa ang pangulo ng Manila Overseas Press Club (MOPC), Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI), National Press Club (NPC) and Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines, Inc. (FPPC), palagi kong inaasahan ang mga suporta ni Tony.

Ang pagmamahal at dedikasyon ni Pareng Tony sa media ay lumalim dahil na rin sa kanyang mga kaibigan at kabilang na rito sina Blas Ople, Adrian Cristobal, Amado Hernandez, Celso Carunungan, Nick Joaquin, Clem Roxas, Greg Brilliantes, Pete Lacaba, Mon Tulfo, Recah Trinidad, Gimo de Vega, Rolando Carbonell, Emil Jurado, Tony Lopez, Cesar Mella, Willy Baun, Rey Langit, Butch Del Castillo, Nering Andolong, Bubby Dacer, Cecil Arillo, Fred dela Rosa, Caloy Castro, Teddy Boy Locsin, Amado Gat Inciong, Pat Gonzales at Joe Tumbokon.

Taong 1965, si Pareng Tony ay ipinakilala sa akin ng kaibigan naming si Alex Liu ng Examiner magazine sa National Press Club. Ako ang naging corporate communications director at PR consultant ni Pareng Tony.

Paalam at maraming salamat, kaibigan. (Johnny Dayang)