Rich Asuncion (1) copy copy

SANAY sa hirap at sanay magtrabaho si Rich Asuncion, kaya hindi siya matutuksong tumanggap ng indecent proposal.

Natawa si Rich nang tanungin sa presscon ng The Millionaire’s Wife kung naranasan na ba niyang maligawan ng matandang lalaki o makatanggap ng indecent proposal.

“Meron, nakilala ko lang siya sa isang birthday party ‘tapos kinabukasan, may nakita na akong kotse na naka-park sa labas ng unit ko,” kuwento ni Rich. “Sabi ng guard, iniwanan daw ni Sir. Pero hindi ko tinanggap, kahit nagta-taxi lang ako noon, hindi ko siya talaga ginamit. Sabi ko sa guard, ipasauli niya. Kung naisauli, hindi ko na inalam, hindi ko naman siya talaga kilala at wala akong pakialam.”

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Hindi inilihim ni Rich na happy siya sa boyfriend niya ngayon, si Ben Mudie, Filipino-Australian player ng Philippine Volcanoes.

Matatandaang nagkaroon ng short-lived relationship si Rich noon kay Aljur Abrenica at kay Ervic Vijandre. Ano ang pagkakaiba sa kanila ng foreigner na tulad ni Ben Mudie?

“Mas carefree sila, si Ben, wala siyang pakialam, like kung gusto niya akong i-kiss in public, gagawin niya, walang kaechosan. Naiintindihan din niya ang work ko kaya wala akong problema, hindi namin iyon pinagtatalunan.”

Nalaman ba niya ang nangyari kay Ervic na nasangkot sa isyu ng bugbugan?

“Nabalitaan ko, well, ginusto niya ‘yun, buhay niya iyon, iyon ang choice niya, hindi ko na alam, wala na rin naman kaming communications.”

Matatapos na ang three-year contract niya sa GMA pero walang balak umalis si Rich dahil naging mabait sa kanya ang network since noong nanalo siya as first princess sa Starstruck (2007).

“Hindi po ako nawawalan ng project, ako naman, wala akong pinipiling role, basta may project, gagawin ko ang best ko. Like dito sa The Millionaire’s Wife, nurse ako at best friend ni Andrea Torres, na nagpakasal kay Fred (Robert Arevalo), ang matandang milyonaryo. Naintindihan ko ang kalagayan ni Louisa kung bakit nagpakasal siya sa matanda.

Siguro, kung darating din sa akin ang ganoon, baka gawin ko rin iyon bilang pagmamahal sa pamilya ko.”

Napapanood ang The Millionaire’s Wife araw-araw sa afternoon prime ng GMA-7 pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli.

(NORA CALDERON)