Muling magkakaroon ng Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar sa ika-15 hanggang ika-16 ng Abril sa Sotto Street ng CCP Complex sa Pasay.

Inaanyayahang magtayo ng booth ang mga nagtitinda ng iba’t ibang produktong galing sa mga lalawigan – maging handicraft, pananamit, fashion accessory, katutubong habi, mga prutas at kakanin, o kahit gamit sa bahay. Ang mga kooperatiba, tribal showroom, at mga NGO na kasali sa kampanyang “One Town, One Product” ng Department of Trade and Industry ay partikular na inaasahang lalahok.

Ang mga interesado sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaaring makipag-ugnayan kay Teray Rivas sa 0917.865.8699.

Maaaring alamin ang mga karagdagang detalye ukol sa Aliwan Fiesta sa website na http://www.aliwanfiesta.com.ph.
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter