Dadalhin ang Diwata-1, ang unang microsatellite ng Pilipinas, sa International Space Station (ISS) dakong 11 :00 na gabi ng Marso 22, Eastern Standard Time (11:00 ng umaga Marso 23, Philippine Standard Time).

Nakatakdang ilunsad ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) commercial provider na Orbital ATK ang fifth mission nito sa ISS sa Marso 22 (EST), at ang Cygnus spacecraft ng kumpanya ay lilipad mula sa United Launch Alliance Atlas V rocket dakong 11:05ng gabi (EST) mula sa Space Launch Complex 41 sa Cape Canaveral Air Force Station sa Florida, USA.

Sinabi ng Department of Science and Technology (DoST) na Marso 22 (EST) ang launch date at maaari pa itong magbago.

“NASA will make every attempt to notify the Philippines of changes at the soonest possible time,” ayon sa kagawaran.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, ayaw ng may kahati sa relasyon: 'Alam ko worth ko!'

Habang nasa ISS, ang Diwata-1 ay nakakabit sa Japanese Experiment Module (JEM) na tinatawag na “Kibo.” Sa pagtatapos ng Abril, pakakawalan ng JEM Small Satellite Orbital Deployer (J-SSOD) ang Diwata-1 sa kalawakan sa altitude na 400 kilometro mula sa lupa.

Inaasahang mananatili ang unang microsatellite ng Pilipinas sa orbit sa loob ng 18-20 buwan at magpapadala ng mga imahe sa bansa dalawang beses kada araw. (PNA)