COTABATO CITY – Sa hindi pa mabatid na dahilan, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang construction worker ang kanyang live-in partner bago siya nagbigti sa kanilang bahay sa Barangay Carpenter Hill sa Koronadal City, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa isang panayam sa radio, kinumpirma ni Benedicto Pastera, chairman ng Bgy. Carpenter Hill, na kapwa residente sa barangay ang suspek at ang biktima.

Kinilala niya ang sinasabing nagpatiwakal na si Roy Bordo, 33, obrero, na pumatay sa kinakasamang si Roxanne Taburnal, 25 anyos.

Sinabi ni Pastera na nagtamo si Taburnal ng 14 na saksak sa katawan at natagpuan ilang metro ang layo mula sa bahay nito, na pinaniniwalaang tinangkang tumakas ng biktima mula sa pag-atake ng asawa.

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Nangyari ang krimen dakong 8:00 nitong Marso 17.

Matapos ang pananaksak, sinabi ni Pastera na binigyan ni Bordo ng P2,000 ang kanyang anak na babae at inutusan itong isugod si Taburnal sa ospital, bago nagmamadaling umalis.

Makalipas ang ilang oras nadiskubre si Bordo na nakabigti sa loob ng kanilang bahay, na roon nangyari ang pananaksak, ayon kay Pastera. (ALI G. MACABALANG)