KC-Piolo copy copy

MAGTATATLONG buwan na lang bago ang unang anibersaryo ng kanilang pagpapakasal last June 12 ay kumpirmadong buntis na nga si Toni Gonzaga.

Dahil dito, ibinulong ng aming ABS-CBN source na maaaring palitan na si Toni sa Written In Our Stars project na pagtatambalan sana nila ni Piolo Pascual.

Ayon pa sa aming spy, tatlong Kapamilya stars ang mahigpit na pinagpipilian para ipalit kay Toni pero mas maugong daw at mas marami sa mga bossing ng network ang mas pabor kay KC Concepcion.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Mas bagay ang dalawa para sa project na ‘yun,” sabi ng source. “Tiyak na maraming pag-uusapan kina KC at Piolo and one more thing, eh, magkasundo na ang dalawa at hindi mo na nakikita kay KC na may tampo pa rin sa dating boyfriend niya.”

Dagdag pa ng kausap namin, mukhang wala na rin namang problema kay Piolo kung pagsamahin silang ni KC sa isang serye at ganoon din naman sa kampo ng huli.

Ayon daw sa ABS-CBN people, tiyak na marami sa mga nag-aabang ang manghihinayang sa hindi pagkakatuloy ng follow-up project sa box record breaker na tambalan nina Piolo at Toni.

Samantala, kasama ni KC na pinagpipilian sina Jodi Sta. Maria at Angelica Panganiban bilang kapalit ni Toni.

(JIMI ESCALA)