Isang 49-anyos na pasyente, na umano’y dumaranas ng depresyon, ang nasawi matapos tumalon mula sa ikalimang palapag ng University of Sto. Tomas Hospital sa Sampaloc, Maynila, nitong Sabado ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Ariel Alcober, 49, ng 838 Masbate Street, Sampaloc, Manila.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Michael Marragun, huling namataan na buhay si Alcober dakong 3:00 ng hapon sa waiting area ng  Clinical Division sa ikalimang palapag ng UST Hospital, kasama ang ina at kapatid upang magpa-check up.

Habang naghihintay na tawagin ang kanilang numero, bigla umanong binuksan ni Ariel ang isang bintana at tumalon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagkabali-bali ang buto ng biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Nabatid na dalawang taon na umano ang nakalilipas nang hiwalayan si Alcober ng kanyang asawa, na naging mitsa ng kanyang matinding depresyon. - Mary Ann Santiago