Niyanig ng apat na magkakahiwalay na lindol ang ilang bahagi ng Luzon, kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 3:45 ng umaga nang maramdaman ang 4.5 magnitude na lindol sa layong 78 kilometro ng hilagang kanluran ng Garchitorena, Camarines Sur.

Sumunod na niyanig ng 3.8 magnitude na lindol ang bayan ng Ambaguio sa Nueva Vizcaya, at umabot sa dalawang kilometro ang lalim na nilikha nito.

Naitala rin ang 2.1 magnitude na lindol sa Tingloy, Batangas.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nasa 2.4 magnitude naman ang yumanig sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Gayunman, walang naiulat na nasaktan o nasalanta sa nasabing mga lugar. (Rommel P. Tabbad)