Nananatiling matatag ang economic fundamentals ng Pilipinas, sinabi ng pinuno ng bangko sentral kahapon, binigyang diin na naaangkop pa rin ang kasalukuyang monetary policy settings.

Batid din ng Bangko Sentral ang epekto ng mas mababang presyo ng langis sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa at nagpapadala ng pera sa Pilipinas na nakatulong para lumakas ang domestic demand, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando Tetangco sa isang banking industry event.

Ayon sa kanya, gumagalaw ang peso-dollar exchange kasabay ng iba pang salapi ng rehiyon.

Nitong Huwebes, sinabi ni Tetangco na hindi kailangang baguhin ang monetary policy settings ng BSP, ngunit mayroon itong policy flexibility sa domestic demand na inaasahang mananatiling malakas. Magpupulong ang Bangko Sentral sa Marso 23 upang repasuhin ang polisiya. (Reuters)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho