Namaalam sa kanilang collegiate career sina Queeny Sabobo at Annalie Benjamen bilang mga kampeon matapos na gapiin ng Adamson ang University of Santo Tomas, 5-3, para kumpletuhin ang six-peat sa pagtatapos ng UAAP Season 78 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

"It's not all about talent, it's all about heart,” pahayag ni Lady Falcons coach Ana Santiago.

Tinapos ng Adamson University ang kanilang best-of-three series, 2-1,para makamit ang ika-15 pangkalahatang kampeonato sa liga.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"This is the biggest challenge for me. Unlike sa past five years na nag-champion kami na masasabi kong easy eh!.

This year, napakahirap ng pinagdaanan namin pero ito na ang pinaka-sweetest victory namin," aniya.

Kapwa nagtala ng homerun sina Sabobo at Benjamen para ibigay sa Adamson ang 4-2 kalamangan sa third inning.

Isa pang homerun ang itinala ng league MVP na si Sabobo sa fifth inning para itaas ang kanilang lamang sa 5-2.

"Kinausap ko yung tatlo (Sabobo, Benjamen and third base Krisna Paguican) at sinabi kong ito na ang huling beses kayong tutuntong sa Rizal Memorial as Adamson players at mag-step up. Kayo ang magsimula at susunod mga kasama ninyo," sambit ni Santiago.

Tinanghal na co-Finals MVP sina Sabobo at Benjamen. (Marivic Awitan)