Mga laro ngayon

(Philsports Arena)

8 n.u. -- AdU vs DLSU (M)

10 n.u. -- UST vs Ateneo (M)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

2 n.h. -- NU vs FEU (W)

4 n.h. -- UST vs ADMU (W)

Puntirya ng defending champion Ateneo na makamit ang unang Final Four berth sa women’s division sa pagsabak kontra University of Santo Tomas ngayon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 78 volleyball tournament, sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sasabak ang Lady Eagles na wala ang premyadong hitter na si Maggie Madayag na nagtamo ng ACL injury sa kanilang ensayo.

Nakatakda ang laro sa ganap na 4:00 ng hapon pagkatapos ng unang salpukan sa pagitan ng National University at Far Eastern University ganap na 2:00 ng hapon.

Magkasosyo sa liderato ang Ateneo at La Salle taglay ang parehong 8-2 karta.

Nasa two-way tie naman sa ika-apat na puwesto ang Tigresses kasalo ng National University na may 5-5 marka.

Habang target ng Lady Eagles ang unang Final Four berth, tatangkain naman ng Tigresses na buhayin ang tsansang umabot sa semifinals.

Samantala, sa men’s division, tatangkain din ng defending champion Blue Eagles (9-1) ang unang Final Four berth sa pakikipagharap sa Growling Tigers (4-6). Magtutuos naman ang La Salle Green Spikers (4-6) at Adamson Falcons (6-4). (Marivic Awitan)