navyteam2 copy

Visayas Leg title, nakahulma na kay Oranza.

ROXAS CITY – Kung hindi magbibiro ang tadhana, wala nang kawala kay Ronald Oranza ang kampeonato ng 2016 LBC Ronda Pilipinas Visayas leg.

Mistulang pormalidad na lamang ang resulta ng huling dalawang karera ng premyadong bike marathon sa bansa matapos mapalawig ng 22-anyos na si Oranza ang bentahe sa overall classification matapos ang tatlong stage dito.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa pagratsada ng Stage 4, inaasahang Ilalatag muli ng Philippine Navy-Standard Insurance ang hindi mabasag na taktika upang mapanatili ang dominasyon ng koponan at ibigay ang ‘red carpet’ kay Oranza.

Napalawig ni Oranza ang bentahe nang makamit ang [analo sa 121.5-kilometrong Stage Three road race na nagsimula at natapos sa tinaguriang “Seafood Capital of the Philippines” sa loob ng tatlong oras, 15 minuto at 53.53 segundo.

“Masayang-masaya ako dahil siyempre mararamdaman ko naman kung paano ako tanghaling kampeon,” pahayag ng pambato ng Villasis, Pangasinan.

Bago ang Stage Three, kasalo sa liderato si Oranza ang kasangang si Rudy Roque na kapwa may 28 puntos. Matapos ang yugto, solo leader si Oranza sa general individual classification points n may kabuuang 43 kumpara kay Roque na may 35.

Inaasahang nanamnamin na lamang ni Oranza ang Stage 4 criterium na iikot sa maganda at napapaligiran ng mga naglalakihang imahe ng Sacred Heart at St. Francis of Assisi sa Pueblo De Panay at ang 45km na Stage 5 Individual Time Trial na tatahak sa Roxas-Ivisan ByPass road.

Ang panalo ay ikalawa ni Oranza sa Visayas Leg at ikatlong sunod na podium finish. Kasama ang Mindanao leg, may anim nang stage winner ang napipintong kampeon. Nanguna siya sa Stage One criterium sa Bago City, Negros Occidental nitong Biyernes bago nakisabay sa Stage Two criterium at ia pang panalo sa Stage 3.

“Nagpapasalamat ako sa Team Navy dahil sinusuportahan nila ang bawat isa sa amin kung sino ang may tsansang magkampeon,” sabi ni Oranza.

“Inspirado ako, higit at halos abot-kamay ko na ang titulo,” aniya.

“I will be happy if he wins,” pahayag ng 23-anyos na Roque.

Magkasosyo naman sa ikatlong puwesto sa overall individual sina Mindanao Leg winner Jan Paul Morales ay Navy skipper Lloyd Lucien Reynante, tangan ang parehong 20 puntos.

“It will be impossible to beat him now,” sambit ng 30-anyos na si Morales, mula sa Calumpang, Marikina City, patungkol kay Oranza.

“If we can plan well, he (Oranza) will win it,” ayon naman kay Reynante.

Tanging si Team LBC-MVP Sports Foundation skipper Ronald Lomotos, kasalukuyang nasa No.6 tngan ang 19 puntos.

Nakabuntot sina Rustom Lim at Julius Mark Bonzo ng LBC-MVPSF sa karera na inorganisa ng LBC Express, sanctioned PhilCycling at suportado ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron, Versa Radio-Tech 1 Corp., Maynilad, NLEX at Wheeltek Motor Sales Corp.