JOHN NITE copy

HANGGANG ngayon ay masamang-masama pa rin ang loob ni John Nite sampu ng mga kasamahan niya sa late night show nilang Walang Tulugan With The Master Showman dahil may mga hindi raw tinupad ang GMA management sa pinag-uusapan nila.

Ayn sa isyung nakarating sa amin, inaasahan daw ng grupo ni John Nite na may “special announcement” ang management ng Kapuso Network bago tuluyang namalaam ang naturang musical variety show sa ere.

Bilang huling respeto at pagbibigay-pugay ng istasyon para sa ilang dekada na rin namang naging very loyal sa network ay hinihintay daw ng grupo ni John Nite ang announcement ng network.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon sa nakausap naming nakakaalam sa isyu, hinintay ng grupo ni John Nite na kagaya ng Dolphy Theater ng ABS-CBN ay ganoon din ang ipapangalan sa isa sa mga studio ng GMA.

Pero hindi nga nangyari ang inaasahan ng grupo. (Jimi Escala)