GAZMIN_OMNUDSMAN_CASE_01_BALMORES_170316 copy

Kinasuhan kahapon ng plunder sa Office of the Ombudsman si Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin kaugnay sa P1.2 billion maanomalyang helicopter deal noong 2013.

Bukod kay Gazmin, kasama rin sa mga inireklamo ni Rhodora Alvarez, empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR), ang ilang opisyal ng DND at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Binanggit ni Alvarez sa kanyang complaint affidavit, na nagsabwatan si Gazmin at iba pang mga opisyal ng DND at AFP upang maisagawa ang maanomalyang proyekto, na pumabor sa isang supplier.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon kay Alvarez, tatanggap si Gazmin ng pitong porsyento bilang komisyon sa transaksyon habang 5% naman ang matatanggap ng iba pang opisyal na kasabwat nito.

Noong 2013, iginawad ng DND ang P1.21 billion kontrata na JV of Rice Aircraft Services and Eagle Copters para sa pagbili ng 21 na UH-1D (Huey helicopters) at spare parts nito.

Nakasaad sa kontrata na dapat mai-deliver ang mga helicopter sa loob ng 180 na araw hanggang Setyembre 21, 2014.

Gayunman, 10 helicopter lamang ang nai-deliver ng contractor at dalawa lamang dito ang tinanggap ng AFP dahil ang iba pa ay nakitaan ng depektibong makina at walang sapat na spare parts at accessories. (ROMMEL TABBAD)