Gary David

Sinuspinde ng isang laro at pinagmulta ng Meralco Bolts si Gilas mainstay Gary David bunsod ng ‘kawalan ng respeto’ kay coach Norman Black sa laro ng Bolts kontra NLEX Road Warriors nitong Biyernes.

Inihayag ng Meralco management ang desisyon sa pamamagitan ng kanilang website nitong Lunes, dalawang araw matapos ang naturang laro kung saan nasilat ng Road Warriors ang dating lider na Bolts, 104-99, sa Araneta Coliseum.

Batay sa pahayag ng koponan, hindi umano sinunod ni David ang utos ni Black na magbalik siya sa court may apat na minuto ang nalalabi sa laro.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa panayam kay David, inamin nitong naasar siya sa maiksing playing time na ibinibigay sa kanya ni Black. Hindi naman nagpahayag ng paumanhin ang Gilas forward.

Iginiit ng Meralco na walang injury o ano pang dahilan si David para hindi maglaro sa naturang sitwasyon.

“Management finds Gary’s behavior unacceptable in different levels,” pahayag ng Meralco sa mensahe sa website.

“The Bolts still support Gary as a member of the team, but sanctions have to be imposed to maintain discipline and alignment with Meralco’s team culture.”