SAO PAULO (AFP) – Nagmartsa ang mahigit tatlong milyong Brazilian, ayon sa pulisya, nitong Linggo sa buong Brazil upang hilingin ang pagbibitiw ni President Dilma Rousseff.

Hinihiling ng mamamayan sa Congress na pabilisin ang impeachment proceedings laban sa makakaliwang lider, at sinisi ang malawakang katiwalinan at pinakamalalang economic recession sa loob ng 25 taon.

Nahihirapan si Rousseff at ang kanyang Workers’ Party na manatili sa kapangyarihan sa harap ng imbestigasyon sa malawakang panunuhol at embezzlement scandal sa oil company ng estado na Petrobras.

Ang highest-profile target ng prosecutor ay ang mentor ni Rousseff na si dating president Luiz Ignacio Lula da Silva, na kinasuhan ng money laundering at hiniling na isailalim sa preventative detention. Mariiing itinanggi ni Lula ang mga alegasyon.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture