Mga laro ngayon

(Philsports Arena)

3 n.h. -- NLEX vs Talk ‘N Text

5:15 n.h. -- Blackwater vs Rain or Shine

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagawang pahinain ng NLEX Road Warriors ang nangungunang Meralco Bolts sa laro nitong Biyeres.

Laban sa defending champion Talk ‘N Text Tropang Texters ngayon, inaasahan ang kumpiyansang Road Warriors sa kanilang pagalpas sa kinalalagyan nilang 5-way tie sa ika-apat na posisyon sa 2016 PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena sa Pasig.

Galing sa 108-105 panalo nitong Biyernes kontra San Miguel Beer, tatagkain naman ng Elasto Painters na makamit ang ika-4 na tagumpay sa pagsagupa sa Blackwater Elite sa tampok na laro ganap na 5:15 ng hapon matapos ang unang bakbakan sa pagitan ng Road Warriors at Texters sa ganap na 3:00 ng hapon.

Umaasa si ROS coach Yeng Guiao na magiging maganda ang takbo ng kanyang koponan sa pagkakatagpo ng bagong import na si Mo Charlo na aniya’y mas angkop sa laro ng Elasto Painters kumpara sa pinalitan nitong si Antoine Wright.

“We got the import we needed,” sambit ni Guiao kasunod ng kanilang panalo sa Beermen.”He’s a great defender.He gives us a lot of range.He can run with the team in the open court.”

“Hope we can sustain this momentum,” aniya.