Mas maraming trabaho ang nalikha para sa mga Pilipino nitong Enero 2016, na sumasalamin sa patuloy na pagbuti ng ekonomiya, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes na tumaas ang bilang ng mga Pinoy na mayroong trabaho ng 2.0 porsiyento sa 39.2 milyon na mayroong tinatayang 752,000 karagdagang trabaho na nalikha mula Enero 2015 hanggang Enero 2016.

Hinila nito pababa ang unemployment rate sa 5.8% mula sa 6.6% noong Enero 2015, na may broad-based improvement sa karamihan ng mga rehiyon, sa lahat ng age group, sa halos lahat ng educational level, at kapwa para sa kalalakihan at kababaihan.

“Our labor market was boosted by better employment opportunities in the industry and services sectors. This performance also brought the unemployment rate to its second lowest in the decade, with the lowest recorded in October last year,” pahayag ni Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang industry at services sectors ay lumikom ng 508,000 at 1.18 milyong karagdagang trabaho, ayon sa pagkakasunod, nitong Enero 2016.

“With employment growing faster at 2.0 percent relative to the labor force growth of 1.1 percent, the number of unemployed went down by 279,000 to 2.4 million during the period,” lahad ng Cabinet official.

“With the favorable labor market situation in January 2016 and the continued slowdown in the national unemployment rate, the Philippine Development Plan target of 6.5-6.7 percent for unemployment rate in 2016 is likely to be achieved,” dagdag ni Esguerra, na siya ring NEDA Director-General. (PNA)