Inaresto sa loob mismo ng presinto ang isang piskal matapos nitong saktan ang umano’y kerida ng kanyang mister at kagatin sa kamay ang pulis na umawat sa kanilang away sa Cebu City nitong Miyerkules.

Nahaharap ngayon sa serious physical injury si Assistant Prosecutor Mary Ann Castro, ng Cebu City Prosecutor’s Office.

Hindi pinangalanan ang babaeng sinaktan ni Castro.

Ayon sa pulisya, sumugod si Castro sa tanggapan ng Police Regional Office-7 nang mabalitaan na naroon ang pinaghihinalaan niyang karelasyon ng kanyang asawa na kinasuhan niya ng libelo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nasa tanggapan ni Police Senior Insp. Rowell Burlat ang babae na kaagad inatake ni Castro at hindi nanlaban dahil buntis ito.

Inawat ni Burlat si Castro subalit siya ang napagbalingan ng galit nito at kinagat sa kamay. (Fer Taboy)