Mga laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Meralco vs. NLEX

7 n.g. – RoS vs SMB

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Nagawang dungisan ng San Miguel Beermen ang malinis na karta ng Meralco Bolts. Kaya’t hindi masisisi ang basketball fans na tumaya sa liyamadong Beermen sa pakikipagtuos sa Rain or Shine Elasto Painters sa tampok na duwelo ngayon ng OPPO-PBA Commissioners Cup, sa Smart-Araneta Coliseum.

Haharapin ng reigning Philippine Cup champion ang Painters sa ganap na 7:00 ng gabi.

Sa unang laro, makabawi sa nakadidismayang kabiguan ang hangad ng Bolts laban sa NLEX Road Warriors sa ganap na 4:15 ng hapon.

Natuldukan ng Beermen ang five-game winning streak ng Bolts nitong nakalipas na linggo sa out-of-town game sa Albay Astrodome sa Legazpi City, 86-94.

Sa kabila nito, nanatiling nasa unahan ang Meralco na may 5-1 karta.

Magkukumahog naman ang Road Warriors na makabangon mula sa magkasunod na kabiguan sa kamay ng Mahindra Enforcers at Elasto Painters.

Posible ring gamitin ng Rain or Shine na basehana ng laro kung pananatilihin ang kanilang import na si dating NBA veteran Antoine Wright.

“We will meet with management and coaching staff. He’s improving every game and he’s exercising leadership. He’s instrumental in limiting the scoring of Al Thornton. But, we have to make an evaluation whether we’ll keep him or get another import. With the way he played last time, he gave us a second thought,” pahayag ni ROS coach Yeng Guiao.