luis-manzano copy

HANGGANG ngayon ay parehong nananahimik at umiiwas magkomento sina Luis Manzano at Angel Locsin tungkol sa hiwalayan nila, pati na sa sinasabing pag-iiwasan nila sa anumang showbiz events at sa show na pinagsasamahan nila.

Lately kasi sa burol ni Direk Wenn Deramas, na parehong malapit sa kanila, ay may isyung kesyo inaalam daw ni Angel kung nakaalis na o nasa burol pa si Luis at ganoon din naman ang huli sa una.

Ang latest ngayon, in-unfollow na raw nina Luis at Angel ang isa’t isa sa Twitter.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Pero nang makausap namin kamakailan si Luis, kuntodo iwas siya sa anumang isyung may kinalaman sa kanila ni Angel.

“Basta, anything to do with Angel, eh, tahimik na lang ako. Dapat tahimik na lang ako sa lahat ng bagay. Wala silang maririnig na komento from me sa anumang isyu sa aming dalawa,” sey ni Luis.

Paliwanag niya, anumang komento niya tungkol sa kanilang dalawa ni Angel ay tiyak na may kakaibang dating sa ibang tao. Kahit positibo, tiyak daw na may negatibong magiging reaksiyon ang ibang tao.

“Sa showbiz naman o sa kahit saan, eh, kahit pa gaano mo pinagbuti o maganda ang intensiyon mo sa sagot mo sa isyu, eh, tiyak na makakahanap sila ng mali sa sagot mo. Kumbaga, may mga tao talaga na hahanap at hahanap ng mali sa sagot mo,” pailing-iling na banggit ng panganay ni Gov. Vilma Santos-Recto.

Hindi itinanggi ni Luis na isa siya sa mga celebrity na talagang pumapatol sa anumang komento ng bashers niya sa social media. Hindi raw niya kaya na basta na lang palampasin ang anumang ibinabato sa kanila lalung-lalo na kung masyado nang personal ang paninira.

“Pero kahit sinasagot ko o pinatulan ko sila, eh, hindi naman nakakairita. Kumbaga, parang makasagot lang at never naman akong nagalit at nainis sa kanila. Sa totoo lang, eh, tumatawa pa nga ako habang ginagawa ko ‘yung pagsagot sa bash nila.

“For me, it’s mental exercise and it makes me feel good about myself kung paano ako pinalaki ng magulang ko,” banggit pa ng mahusay at premyadong TV host.

Speaking of magulang, parehong tumatakbo for senator ang kanyang Tito Ralph Recto at amang si Edu Manzano at siyempre ang kanyang ina naman for congresswoman sa lone district ng Lipa City.

So, magiging busy rin si Luis sa pangangampanya?

“Oo naman. Pero hindi naman sila mahirap ikampanya. Si Tito Ralph, eh, alam naman nating ang dami na niyang nagawang batas para sa atin. Hindi rin mabilang ang naipasa niyang mga bills na nakatulong nang husto. Si Mommy naman, eh, ‘yung malinis na record niyang nine years bilang mayor and nine years din as governor, eh, more than enough ‘yun, di ba? Si Daddy naging vice mayor na rin naman ‘yan ng Makati at malinis din ang intensiyon niya,” sagot ni Luis.

(JMI ESCALA)