Ang nakaraan ay nakaraan na.

Ito ang pinatunayan nina Manila Mayor Joseph Estrada at Supreme Court (SC) Associate Justice Teresita Leonardo de Castro na muling nagtagpo ang landas siyam na taon na ang nakalipas mula nang sentensiyahn ng huli ang dating Pangulo sa kasong plunder.

Nang magkasama sina Estrada at De Castro sa entablado sa 21st Convention ng Philippine Women Judges Association (PWJA) na ginanap sa Manila Hotel nitong Miyerkules, walang bahid ng sama ng loob ang dalawa sa isa’t isa.

Ngayo’y pangulo ng PWJA, todo ang papuri ni De Castro sa pinatalsik na pangulo, na para bang hindi siya ang tumayong chairman ng Sandiganbayan Special Division na nagpakulong kay Estrada dahil sa pagkakasangkot sa jueteng at P1.8-bilyon anomalya sa pagbili ng shares ng Belle Corporation gamit ang pondo ng Government Services and Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS).

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Sa kanyang talumpati, tinukoy ng babaeng mahistrado si Estrada bilang “the quintessential gentleman, most kind-hearted public servant and most-loved by the poor.”

Samantala, iginiit ni Estrada na wala siyang kasalanan at pinatawad na niya ang mga mahistrado na nagpakulong sa kanya, kabilang si De Castro.

“Justice De Castro and I, as you all know, share a unique history. Sabi nga, iba na ang may pinagsamahan. Mahigit isang dekada na rin pala ang nakakalipas mula noong mga panahong nagkakaharap kami sa Sandiganbayan. Six years din po ang itinakbo ng trial ko before the Sandiganbayan’s special court. Hindi nga ako makapaniwala na kinasuhan ako ng plunder,” ayon kay Estrada. (Leonard D. Postrado)