CLEVELAND, Ohio (AFP) – Nabigo ang unang uterus transplant na isinagawa sa United States matapos magkaroon ng kumplikasyon ang recipient nito kayat muling tinanggal ng mga doktor ang organ, inihayag ng Cleveland Clinic nitong Miyerkules. “We are saddened to share that our patient, Lindsey, recently experienced a sudden complication that led to the removal of her transplanted uterus,” pahayag ng ospital, na hindi ibinigay ang apelyido ng pasyente.

Idinagdag na “doing well” at “recovering” na ang pasyente matapos ang surgery para muling alisin ang organ.

Isinagawa ang transplant, na tumagal ng siyam na oras, noong Pebrero 25. Makalipas ang ilang araw ay ipinahayag ng mga doktor na matagumpay ang operasyon.

Ngunit nitong Lunes, nagpatawag ang surgical team ng news conference kung saan sandaling nagpakita at nakangiti ang 26-anyos na recipient.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang mga doktor sa University of Gothenburg sa Sweden ang unang matagumpay na nakapagsagawa ng uterus transplant noong 2013. Nagsilang ang recipient nito ng kanyang unang anak noong Setyembre 2014. Mayroon nang apat na healthy births ang Swedish team.