SANTIAGO (Reuters) – Tinamaan ng nakamamatay na algal bloom ang world’s second biggest salmon exporter, ang Chile, kung saan halos 23 milyong isda na ang namatay at ang epekto sa ekonomiya ng naluging produksiyon ay nakikitang aakyat sa $800 million, sinabi ng industry at government sources sa Reuters.

Sa dami ng namatay na isda, madali nitong pupunuin ang 14 na Olympic-size na swimming pool, paglalarawan ni Jose Miguel Burgos, pinuno ng Sernapesca fisheries body ng gobyerno.

Ang hindi pangkaraniwan na mataas na temperatura ng dagat, dahil sa El Niño weather phenomenon, ang nagbunsod ng algal bloom na nakaaapekto sa 37 sa halos 415 salmon farm sa southern Chile. Karamihan sa mga palaisdaang ito ay nakabakod sa dagat o nasa bunganga ng ilog.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'