vivian-velez copy copy

NATULOY ang meeting nina Ms. Vivian Velez at TV executives ng seryeng Tubig at Langis sa pangunguna ng business unit head nitong si Direk Ruel S. Bayani noong Lunes ng hapon.

Nag-resign na ang beteranang aktres sa naturang serye dahil hindi na raw niya kinakaya ang pambabastos sa kanya ni Cristine Reyes.

Sinulat namin noong nakaraang linggo ang post ni Ms. Body Beautiful na hindi niya kinakaya ang ugali ng aktres na may hashtag pang #asalqueen pero sa interview sa kanya ni Mario Dumaual ng TV Patrol ay tinukoy na niyang si Cristine nga iyon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Pagkaraan ng ilang minuto ay binura na ni Ms. Vivian ang post niya dahil pinakiusapan daw siya na aayusin ng production, ito rin naman ang nabalitaan namin mula sa source namin sa ABS-CBN.

Pero nitong nakaraang Linggo, ay muling nag-post si Ms. Vivian na magre-resign na talaga siya at hindi na magbabago ang desisyon niya. Inilabas naman namin iyon nitong Lunes. Kinagabihan, naka-chat namin siya at tinanong kung ano ang nangyari sa meeting.

“We agreed on three days to finish me off provided na hindi ko makakasama si Cristine sa eksena,” sagot niya.

Sa madaling sabi, papatayin na ang karakter niya sa Tubig at Langis bilang ina ni Zanjoe Marudo, ang leading man ni Cristine.

Irrevocable resignation ang ginawa ng beteranang aktres kaya hindi na siya nahilot pa ng production.

“Yes, irrevocable, di ba? It was painful experience talaga,” aniya pa.

Samantala, nananatiling tikom ang bibig ni Cristine tungkol sa isyu pero ang Ate Ara Mina naman niya ay nagsabing baka raw hindi lang naintindihan ng beteranang aktres ang kapatid niya.

Ano kaya ang stand ng manager ni Cristine na si Ms. Veronique del Rosario-Corpus sa isyung ito? (REGGEE BONOAN)