Hogan copy copy

ST. PETERSBURG, Fla. (AP) — Sinabi ni Hulk Hogan na siya ay “completely humiliated” sa paglabas sa publiko ng video na nakikipag-sex siya sa dating best friend ng kanyang asawa.

Sa kanyang pagsasalita sa kasong isinampa laban sa Gawker website, sinabi ni Hogan na hindi niya ipinag-utos na i-tape o ilabas ng Gawker ang kanilang pagtatalik. Ayon kay Hogan, nang mapagtanto niya na may kinalaman ang kanyang matalik na kaibigan, ang radio personality na si Love Sponge Clem, sa pagkuha ng video, hindi na niya napigilan ang panginginig sa galit. Idinagdag pang pakiramdam niya siya ay tinutuya ng pamilya Clem sa pakikipag-sex kay Heather Clem.

Sinisingil ni Hogan ang Gawker ng $100 million dahil sa pagplalabas ng kanyang sex video.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kinuwestiyon ng abogado ng Gawker ang pabagu-bagong testimonya ni Hogan at sa media interview nito. Ayon kay Hogan, hindi niya pinanood ang sex video nang madiskubreng siya ang laman nito; ngunit sa media interview, sinabi niyang pinanood niya ang video. At sinabi rin ni Hoagn na hindi niya alam na siya ay kinukunan ng video habang nakikipagtalik kay Heather Clemen; ngunit sinabi naman niya sa media, tinanong niya si Bubba Clemen kung nakunan niya ng video.

“I was probably in the Hulk Hogan mode,” ani Hogan. “It gives you artistic ability, to be a character.”

Ang pagdinig ay inaasahang matatapos sa loob ng tatlong linggo.

Naabot ni Hogan ang kasikatan sa pagiging professional wrestler noong 1980s at 1990s, nanalo siya ng maraming laban.

Naging artista rin siya na malayo sa kanyang “Hulkamania” fan base, at napanood sa iba’t ibang pelikula at sa telebisyon, kabilang na ang reality show tungkol sa kanyang buhay sa VH1, ang Hogan Knows Best.