SA nakaraang survey ng Pulse Asia, si Sen. Grace Poe pa rin ang nanguna. Kaya lang, isang porsiyento lamang ang lamang niya kay VP Jejomar Binay. Nakakuha ng 26% ang senadora, habang 25% naman si VP Binay. Pantay naman sina Sec. Mar Roxas at Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 21%. Statistically tie raw ang ibig sabihin nito, ayon sa gumawa ng survey.

Ayon sa kampo ng senadora, lalayo na ito sa kanyang mga katunggali kapag ginawa muli ang survey na masasakop na ang suportang inanunsiyo kamakailan ng Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa senadora. May mahigit aniyang 4,000 kasapi ng NPC ang magsisilbing taga-kampanya niya sa buong bansa.

Pero, may mga konsiderasyon din na hindi naisama sa panig ni Roxas sa naganap na survey. Ang mahalaga dito ay ang pag-endorso ni Pangulong Noynoy sa tambalang Roxas-Robredo na lumabas na bayad na anunsiyo sa media. Sa pamamagitan ng anunsiyong ito, nilinaw ng Pangulo na wala siyang ibang kandidato kundi si Roxas sa pagkapangulo. Napakahalaga nito. Ang mga nag-aalinlangan pa o kaya ay hindi pa nakapagpapasiya kung sino ang kanilang ihahalal ay lubusan nang magagabayan. Iginuhit na ng Pangulo ang linya ng larangan ng labanan. Para kay Roxas o hindi, iyon lang ang pagpipilian mo.

Sa mga masalapi at may negosyo na nakikipagsapalaran pa sa magiging bunga ng halalan ay napakadali nang magpasiya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kung tataya ka, tumaya ka na kay Roxas. Kasi, ang gagawin mo lang ay idadagdag mo ang iyong donasyon sa napakalaking pondong tangan ni Roxas na pangkampanya. Kung ikaw ay mamumuhunan pa para manalo ang iba, malaki na nga ang gagamitin mong donasyon, malaki pa ang tsansang madisgrasya ang iyong tinutulungan.

Alam ni Duterte na ang kanyang kalaban ay si Roxas. Kaya nga sabi ni Roxas, fan siya ni Duterte. Kasi sa tuwing ibubuka niya ang kanyang bibig, si Roxas lang ang kanyang binabanggit at hindi magandang salita pa ang kanyang iniuukol dito. Paraan ito ng isang taong kinikilala niya ang tunay niyang kalaban upang alisan o bawasan ang mga taga-suporta nito.

Sa ganitong labanan na tinawag ng Pulse Asia Survey na statiscally tie ang mga naglalaban-laban, ang makauungos sa kanyang mga kalaban na dadalhin niya ang laban hanggang sa kadulu-duluhan ay iyong may makinarya. May maraming pondong panlangis dito upang laging makinis na gumigiling. Talo ang mapapatiran ng pisi bago pa man matapos ang labanan. (RIC VALMONTE)