Patay ang isang guwardiya matapos barilin ng hindi kilalang suspek habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Marky Lambino, 27, ng Barangay 85, Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), dakong 1:00 ng umaga nang mangyari ang insidente, ilang hakbang lang mula sa bahay ng biktima.

Nakikipag-inuman umano si Lambino nang bigla na lang itong pagbabarilin ng suspek na agad sumibat matapos ang insidente.

Away sa motorsiklo ang tinitingnang anggulo sa pangyayari. - Mary Ann Santiago

Tsika at Intriga

Kakai sa di kakain ng karne pero pumapatol sa may asawa: 'Maggulay ka na lang bhie!'