BOGOTA (AFP) – Napatay ang pangunahing leader ng makapangyarihang Clan Usuga gang sa isang raid ng pulisya, kinumpirma ng mga awtoridad nitong Sabado.

“Body blow to the Clan Usaga gang. Alias Lorenzo taken out in Uraba. Top gang leader and drug trafficker,” pahayag ni President Juan Manuel Santos sa Twitter.

Si Ruben Dario Avila, alyas Lorenzo, ay napatay noong Biyernes nang salakayin ng mga pulis ang isang rantso sa Arboletes, sa probinsiya ng Antioquia, sinabi ni National Police Public Safety chief General Jorge Rodriguez sa mga mamamahayag.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo